Same Sex Marriage: Pwede na?
Habang patuloy na dumadami ang nagsusulong ng same sex
marriage. Marami naman ang tumututol nito. "Ang lalaki ay para sa babae,
ang babae ay para sa lalaki", ika nga pa ng mga taong ayaw sa same sex
marriage. Kasalanan ba talaga ito sa mata ng diyos? paano kung ang bansa natin
ay papayag na may same sex marriage? Magagalit kaya ang simbahang katoliko?. Sa
matagal kong paninilay-nilay napagtanto ko na ang bansang Pilipinas ay isa sa
mga bansang hindi pa pinatupad ang same sex marriage. Pero ang pag-ibig ay
libre. Ito ay ipinagkaloob sa ating mga tao ng Diyos. May pag-ibig para sa
Kanya, para sa sarili, para sa pamilya, para sa mga kaibigan at higit sa lahat,
ang pag-ibig para sa taong nais mong makasama sa hirap at ginhawa, sa lungkot
at saya hanggang sa dulo ng walang hanggan. ‘Till death do us part ika
nga. Bawal pa talaga ang magmahal ng kapareho kasarian?, ito ang tanong na
hindi kayang masagot.
Sa mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting
natatanggap ng lipunan ang relasyon ng dalawang magkapareho ang kasarian. Sa
katunayan, maraming bansa sa Estados Unidos ang nagpapahintulot ng same-sex
marriage. Samakatuwid, binali at nilabag nila ang kalooban ng Diyos. Tunay
ngang ang tao ang gumagawa ng batas para sa ikabubuti ng kanyang sarili. Ngunit
makatuwiran bang lumikha tayo ng batas na magdadala sa atin sa tiyak na
kasalanang pang-moral at pang-ispiritwal?
Kahit na sabihin pang makamoderno na ang panahon ngayon
at kailangan na nating maki-ayon sa agos ng mga nangyayari, isa pa ring napakalaking
kasalanan ang same-sex marriage. Liberated na nga ang henerasyon ngayon subalit
hindi naman sana ito ang magtulak sa atin sa kasalanan.
Akin pong nililinaw, ang pag-ibig ay hindi
kasalanan. Ang kasalanan lamang ay ang pagpili sa mali at hindi
tamang taong iibigin. Malaya tayong makapamimili ng ating
mapapangasawa. Nasa ating palad ang sarili nating kaligayahan. Maaari tayong
umibig sa kahit kanino hangga’t wala tayong naaapakang ibang tao, ibang
prinsipyo’t paniniwala at hindi natin nalalabag ang ninanais ng Poong
Lumikha. Kaya nga nilikha sina Adan at Eba hindi ba? Dahil sila ang
magkapareha. Sila ang nararapat sa isa’t isa.
Sa mga kristiyanong bansa tulad ng Pilipinas, mahigpit na
kinokondena ang pagpapakasal ng magkaparehong kasarian lalong-lalo na ng
simbahang katoliko. Subalit bakit may ilang kaparian dito sa ating bansa
ang nagkakasal ng same sex? Hindi nga ba’t naibalita ito sa telebisyon na
naganap sa lungsod ng Baguio? Ayon sa nagkasal, isinaalang-alang niya ang
kaligayahan ng dalawang taong tunay na nagmamahalan anuman ang kanilang
kasarian. Inulan tuloy siya ng batikos at puna hindi lamang ng simbahan kundi
maging ng mga taong lubos na naniniwalang hindi dapat pahintulutan ang mainit
na paksa.
Bilang isa sa komokondena sa same-sex marriage,
nananawagan ako sa pamahalaan na dapat nila ito pahintulutan at ipapasa kung sakali ang gagawing panukalang batas upang maging legal ito. Sa
simbahang katoliko naman, sana huwag na kayong tumutol dahil tunay naman na nagmamahalan sila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento