ANG EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PAG-UUGALI NG
MGA MAG- AARAL
Sa aking
mahal na guro na ngayo’y nagbabasa, magandang hapon . At sa aking mga
masasayahin at kooperatibong mga kaklase, magandang hapon din sa inyo, naway sa
maikling sandali ay hayaan ninyong hiramin ko ang inyong mga mata at taynga
upang makinig sa aking napakahalagang talumpati.
Ang tao
ay hinuhubog ng kanyang mga mithiin. Ang kanyang puso at kaluluwa ay hinugis ng
bawa’t pagnanasa bilang isang makamundong nilalang. Mapaghanap, mapusok,
malikhain. Ang tao ay hindi tumitigil sa pagkamit ng bawa’t bagay na alam
niyang kanya dapat mapasakamay.
Ang
teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang
pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang
tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang
teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya. Kadalasang iniuugnay ang
katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang
natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din
ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang imbento katulad ng gulong. Sa isa
pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang
kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga
kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto at kung anumang maibubunga ng
ating kaalaman. Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung
nadadagdagan ang ating kaalaman dito.
Isa sa mga patok na gamit sa teknolohiya ay ang kompyuter. Marami kasing gamit
ang isang kompyuter lalo na sa mga pilipinong mag-aaral ngayon. Isa sa mga
gamit nito ay ang pagbibigay ng internet. Kung may internet connection maaring
makagawa ang isang indibidwal ng account sa anomang social networking sites
tulad ng facebook , ito ay ang mga serbisyong web-based na nagbibigay sa mga
indibidwal para bumuo ng isang pangpublikong profile. Alam din nating lahat na
halos lahat ng impormasyon ay nakukuha na ngayong sa internet. Bukod sa mga
libro na ginagamit ng mga estudyante, dito rin sila kumukuha ng dagdag
impormasyon. Sa panahon ngayon, nagkalat ang iba’t ibang makabagong
teknolohiya sa ating mundong patuloy na umuunlad. Isa sa mga teknolohiyang ito
ay ang kompyuter. (ayon sa wikipedia) Ang kompyuter ay isang makina na
ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o mga operasyon na maaaring gawin sa
pamamagitan ng mga terminong numerikal o lohikal. Ito ay nakapaghahatid ng
aliw, nakakapagpabilis ng gawain at nakakapagpayaman ng buhay ng tao sa
pamamagitan ng mga karagdagang programa.
Maraming
tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o nakakasama.
Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating
lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay
nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga pananaw na
ito ay tama, subalit, kailangan nating pag-aralan ng mabuti kung ang
teknolohiya nga ba ay nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto. Ito ay
nakasalalay sa ating mga Pilipino kung paano natin ito gamitin.
Ang makabagong
teknolohiya sa larangan ng gaming at internet access ay maaaring makasira o
maka-apekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
Tungkulin
ng mga kabataan ang mag aaral.Kapag ang kabataan ay napagod na sa kanilang pag
aaral,sa pagrerebyu halimbawa sa kanilang pagsusulit,dalawa ang maaaring gawin
nila.Una ay ang magpahinga o matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy ang
kanilang pag aaral.Sa kabilang banda,maaari silang magpatuloy sa paggawa sa
tulong ng kanilang “kaibigan”at kaagapay” sa lahat ng posibleng oras at
pagkakataon,at ito ay ang teknolohiya.
Ang
teknolohiya rin ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman sa mga mag-aaral kundi
pati na rin ang kalibangan at kaligayahan.Bukod sa telebisyon at radio,nandiyan
na rin ang mga home at handheld consoles. Halimbawa Play Station,Mp3
Players,ang cellphone,at siyempre ang personal computers at ang dala nitong
digital miracle. Tunay nga’t nabago ng teknolohiya ang pamamaraan ng buhay ng
mga mag-aaral,o maging ng kabataan sa kabuuan. Masasabi natin na napakarami ng
naitulong ng teknolohiya sa pang araw-araw na pamumuhay. Ang mga imposible dati
ay kaya nang gawin ngayon. Ngunit mayroon nga bang disiplina ang bawat
mag-aaral upang magamit sa ayos ang mga dala nitong dulot?Lahat ng bagay ay
sumasama kapag napapasobra,at isa sa mga bagay na ito ay ang teknolohiya.Hindi
mapapagkaila na napakaraming mga mag-aaral ang sumasalalay sa teknolohiya hindi
lamang sa kanilang pag-aaral.
Lumipas
ang maraming dekada at tuluyan nang binago ng panahon ang mundo pati na rin ang
saloobin ng kaluluwa ng tao. Sadyang tayo ay walang kapagurang galugarin ang
bawa’t posibilidad upang maabot ang pinakamataas na antas ng pamumuhay.
Isinilang ang teknolohiya ayon sa pagkahayok natin sa pagbabago. Bagong
panahon, bagong pangangailangan. Bagong lipunan, bagong pagnanasa. Walang
humpay, walang pahinga sa paghahanap. Ni hindi natin itinatanong kung saan
talaga tayo patutungo. Sinasabi na binabaybay na natin ang landas patungong
bukas. Nguni’t kailan ang bukas? Ngayon na ba ang bukas o ito’y malayo pa?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento