Huwebes, Agosto 27, 2015


Bansa, Mamamayan, Kahirapan
Magandang hapon sa inyo mga mahal kong kamag-aral. Narito ako ngayon sa inyong harapan para ipabatid at ipaalam sa inyo ang nagaganap at nangyayari sa ating bansa, naway sa maikling sandali ay hayaan ninyong hiramin ko ang inyong mga mata at taynga upang makinig sa aking napakahalagang talumpati.
Habang ako ay naglalakad sa napakasikim na kalsada, may nakita akong mga taong nagkakagulo at parang wala nang kapayaan, katahimikan ang lugar na iyon. May isang katanungan na napasok sa aking  isipan, na hindi ko kayang masagot, Ano ba ang aking nakikita? Ano ba talaga ang pinakamatinding suliranin ng ating bansa? Pagpapatay? Pagnanakaw? Korupsyon? Pagbebenta ng droga? Kulang sa kaalaman? o Kahirapan?. Akala ko'y maunlad ang ating bansa, akala ko'y magagaling ang ating mga pinuno, at akala ko'y malinis na ang  ating bansa. Yun pala ang bansang tinatayuan natin ay nababalutan ng kasamaan. Sa aking napakatagal na pagninilay-nilay aking napagtanto na lahat ng mga problemang aking nabanggit ay resulta ng kahirapan. Isa sa pinakamalaking kinakaharap na suliranin ng ating bansa. Kahirapan na hindi natin alam kung paano mawawala. Kahirapan na patuloy na lumalaganap. Ngunit bakit nga ba maraming Pilipino ang nagdudurusa dahil sa kahirapan?
Hindi ko inakala na ganun na pala katindi ang nagiging resulta ng kahirapan. Sa mga nakikita ko, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan dahil sa kahirapan, dala na rin sa kanilang kakulangan sa pera. Napipilitan silang gawi ang mga bagay na hindi dapat ginagawa nila. Nagiging masama sila dahil gusto nila makuha ang mga bagay na hindi nila kayang makuha. Dahil doon, patuloy na dumadami ang bilang ng mga krimen sa ating bansa. Maraming tao ang pinapatay ng ibang tao dahil sa kakulangan ng hanapbuhay. Ninanakawan nila ang ibang tao para sa kanilang kagustuhan. Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding problema na ito ay  tinatawag na krisis. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan. Pero bakit hindi kumikilos ang ating mga pinuno? Isa sa pangunahing dahilan ng kahirapan ay korupsyon. Ninanakaw ng mga opisyal ng gobyerno ang kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa ikakaunlad ng ating bansa. Pero napupunta ito sa bulsa ng mga opisyales, kung kaya naman mas nararamdaman nating ang kahirapan. Isa pang dahilan ang kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod-sunod na pagtaas ng bilihin. Isa pang dahilan ng kahirapan ay katamaran. Ito ay isa sa mga maling pag-uugali ng mga Pilipino. Ang katamaran ang nangunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga Pilipino. Wala silang tiyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila sa kahirap na tinatamasa nila. Kuntento na sila sa salat nilang pamumuhay at palagi lang sila umaasa sa mga pinuno nila ngunit wala naman silang natatanggap na tulong. Nakalulungkot isiping mas gugustuhin pa ng taong naghihirap ang mamatay ng hindi namamalayan kaysa mamatay sa gutom ng nahihirapan. Karamihan sa naghihirap ay walang makain at hindi makatuntong ng paaralan kaya't umaasa sa salitang "may pera sa basura"o sa marahas na paraang kumapit sa patalim.
Maraming mamamayan ang nakakaranas ng kahirapan kung mapapansin natin, nagkalat ang mga batang lansangan na iniiwan ng kanilang mga magulang na walang ibang matuluyan. Sa mga squatters area, magulo at tila ba walang kaginhawaan at kapayapaan. Kung ating susuriin, mas marami ang bilang ng mga taong sadlak sa kahirapan ngunit bakit ang mga taong may mataas na katayuan sa buhay, sa halip na tulungan ang mga ito ay lalo pa nilang itinutulak sa kahirapan. Kaya ang mahihirap ang lalong naghihirap at ang mga mayayaman ay lalong yumayaman. Dulot ng walang pagkakaisa ng mga mamamayan. Sadyang mahirap ang maging isang mahirap ngunit maraming paraan upang ito’y labanan kung ating gugustuhin. Maraming na tayong nababalitaan o naririnig na mula sa pagiging maralita, ngayon ay natatamasa na ang kaginhawaan. Dahil iyon sa kanilang pagsisikap at pagpupursigi para sa kanilang mga pangarap o mga gusto nilang makamit sa buhay.
Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangan ng pagkakaisa ng isang bansa, kailangan ng magaling na pinuno at kailangan magtatag ng programang panlipunan upang malabanan ang matinding kahirapan ng isang bansa.
Ako bilang isang Mag-aaral, ay may layunin akong gawin ang aking lahat na makakaya para hindi maging isang mahirap at hindi maituturing isang basura lamang ako sa ating bansa. Sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lang dapat ako pati ikaw. Tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran ng ating bansa at sarili. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bansa, isang bansa na magagamit ang tagumpay , maipagmamalaki at higit sa lahat ay mapapamana sa susunod pang henerasyon ang umuunlad na bansa.
Ano ang ating gagawin? Kikilos ba tayo? o maghihintay? Bakit hindi tayo kumilos para sa kaunlaran? Ano pa ang hinihintay natin kumilos na tayo habang maaga pa upang umunlad ang ating buhay!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento