Sabado, Agosto 29, 2015

Same Sex Marriage: Pwede na?

Habang patuloy na dumadami ang nagsusulong ng same sex marriage. Marami naman ang tumututol nito. "Ang lalaki ay para sa babae, ang babae ay para sa lalaki", ika nga pa ng mga taong ayaw sa same sex marriage. Kasalanan ba talaga ito sa mata ng diyos? paano kung ang bansa natin ay papayag na may same sex marriage? Magagalit kaya ang simbahang katoliko?. Sa matagal kong paninilay-nilay napagtanto ko na ang bansang Pilipinas ay isa sa mga bansang hindi pa pinatupad ang same sex marriage. Pero ang pag-ibig ay libre. Ito ay ipinagkaloob sa ating mga tao ng Diyos. May pag-ibig para sa Kanya, para sa sarili, para sa pamilya, para sa mga kaibigan at higit sa lahat, ang pag-ibig para sa taong nais mong makasama sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya hanggang sa dulo ng walang hanggan. ‘Till death do us part ika nga. Bawal pa talaga ang magmahal ng kapareho kasarian?, ito ang tanong na hindi kayang masagot.
 Sa mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting natatanggap ng lipunan ang relasyon ng dalawang magkapareho ang kasarian. Sa katunayan, maraming bansa sa Estados Unidos ang nagpapahintulot ng same-sex marriage. Samakatuwid, binali at nilabag nila ang kalooban ng Diyos. Tunay ngang ang tao ang gumagawa ng batas para sa ikabubuti ng kanyang sarili. Ngunit makatuwiran bang lumikha tayo ng batas na magdadala sa atin sa tiyak na kasalanang pang-moral at pang-ispiritwal?
Kahit na sabihin pang makamoderno na ang panahon ngayon at kailangan na nating maki-ayon sa agos ng mga nangyayari, isa pa ring napakalaking kasalanan ang same-sex marriage. Liberated na nga ang henerasyon ngayon subalit hindi naman sana ito ang magtulak sa atin sa kasalanan.
 Akin pong nililinaw, ang pag-ibig ay hindi kasalanan. Ang kasalanan lamang ay ang pagpili sa mali at hindi tamang taong iibigin. Malaya tayong makapamimili ng ating mapapangasawa. Nasa ating palad ang sarili nating kaligayahan. Maaari tayong umibig sa kahit kanino hangga’t wala tayong naaapakang ibang tao, ibang prinsipyo’t paniniwala at hindi natin nalalabag ang ninanais ng Poong Lumikha. Kaya nga nilikha sina Adan at Eba hindi ba? Dahil sila ang magkapareha. Sila ang nararapat sa isa’t isa.
Sa mga kristiyanong bansa tulad ng Pilipinas, mahigpit na kinokondena ang pagpapakasal ng magkaparehong kasarian lalong-lalo na ng simbahang katoliko. Subalit bakit may ilang kaparian dito sa ating bansa ang nagkakasal ng same sex? Hindi nga ba’t naibalita ito sa telebisyon na naganap sa lungsod ng Baguio? Ayon sa nagkasal, isinaalang-alang niya ang kaligayahan ng dalawang taong tunay na nagmamahalan anuman ang kanilang kasarian. Inulan tuloy siya ng batikos at puna hindi lamang ng simbahan kundi maging ng mga taong lubos na naniniwalang hindi dapat pahintulutan ang mainit na paksa.

Bilang isa sa komokondena sa same-sex marriage, nananawagan ako sa pamahalaan na dapat nila ito pahintulutan at ipapasa kung sakali ang gagawing panukalang batas upang maging legal ito. Sa simbahang katoliko naman, sana huwag na kayong tumutol dahil tunay naman na nagmamahalan sila.

Biyernes, Agosto 28, 2015

ANG EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PAG-UUGALI NG MGA MAG- AARAL
Sa aking mahal na guro na ngayo’y nagbabasa, magandang hapon . At sa aking mga masasayahin at kooperatibong mga kaklase, magandang hapon din sa inyo, naway sa maikling sandali ay hayaan ninyong hiramin ko ang inyong mga mata at taynga upang makinig sa aking napakahalagang talumpati.
Ang tao ay hinuhubog ng kanyang mga mithiin. Ang kanyang puso at kaluluwa ay hinugis ng bawa’t pagnanasa bilang isang makamundong nilalang. Mapaghanap, mapusok, malikhain. Ang tao ay hindi tumitigil sa pagkamit ng bawa’t bagay na alam niyang kanya dapat mapasakamay.
Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya. Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang imbento katulad ng gulong. Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman. Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito.
  Isa sa mga patok na gamit sa teknolohiya ay ang kompyuter. Marami kasing gamit ang isang kompyuter lalo na sa mga pilipinong mag-aaral ngayon. Isa sa mga gamit nito ay ang pagbibigay ng internet. Kung may internet connection maaring makagawa ang isang indibidwal ng account sa anomang social networking sites tulad ng facebook , ito ay ang mga serbisyong web-based na nagbibigay sa mga indibidwal para bumuo ng isang pangpublikong profile. Alam din nating lahat na halos lahat ng impormasyon ay nakukuha na ngayong sa internet. Bukod sa mga libro na ginagamit ng mga estudyante, dito rin sila kumukuha ng dagdag impormasyon. Sa panahon ngayon, nagkalat ang iba’t ibang makabagong teknolohiya sa ating mundong patuloy na umuunlad. Isa sa mga teknolohiyang ito ay ang kompyuter. (ayon sa wikipedia) Ang kompyuter ay isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o mga operasyon na maaaring gawin sa pamamagitan ng mga terminong numerikal o lohikal. Ito ay nakapaghahatid ng aliw, nakakapagpabilis ng gawain at nakakapagpayaman ng buhay ng tao sa pamamagitan ng mga karagdagang programa.
Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga pananaw na ito ay tama, subalit, kailangan nating pag-aralan ng mabuti kung ang teknolohiya nga ba ay nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto. Ito ay nakasalalay sa ating mga Pilipino kung paano natin ito gamitin.
Ang makabagong teknolohiya sa larangan ng gaming at internet access ay maaaring makasira o maka-apekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Tungkulin ng mga kabataan ang mag aaral.Kapag ang kabataan ay napagod na sa kanilang pag aaral,sa pagrerebyu halimbawa sa kanilang pagsusulit,dalawa ang maaaring gawin nila.Una ay ang magpahinga o matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag aaral.Sa kabilang banda,maaari silang magpatuloy sa paggawa sa tulong ng kanilang “kaibigan”at kaagapay” sa lahat ng posibleng oras at pagkakataon,at ito ay ang teknolohiya.
Sa tanang kasaysayan ng edukasyon ay malaki na ang naiambag ng teknolohiya.Sa katunayan,ang teknolohiya ang isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang pag- aaral ay nagiging madali,mabilis,at mabisa.Kung kaya nama’t napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral.
Ang teknolohiya rin ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman sa mga mag-aaral kundi pati na rin ang kalibangan at kaligayahan.Bukod sa telebisyon at radio,nandiyan na rin ang mga home at handheld consoles. Halimbawa Play Station,Mp3 Players,ang cellphone,at siyempre ang personal computers at ang dala nitong digital miracle. Tunay nga’t nabago ng teknolohiya ang pamamaraan ng buhay ng mga mag-aaral,o maging ng kabataan sa kabuuan. Masasabi natin na napakarami ng naitulong ng teknolohiya sa pang araw-araw na pamumuhay. Ang mga imposible dati ay kaya nang gawin ngayon. Ngunit mayroon nga bang disiplina ang bawat mag-aaral upang magamit sa ayos ang mga dala nitong dulot?Lahat ng bagay ay sumasama kapag napapasobra,at isa sa mga bagay na ito ay ang teknolohiya.Hindi mapapagkaila na napakaraming mga mag-aaral ang sumasalalay sa teknolohiya hindi lamang sa kanilang pag-aaral.
 Lumipas ang maraming dekada at tuluyan nang binago ng panahon ang mundo pati na rin ang saloobin ng kaluluwa ng tao. Sadyang tayo ay walang kapagurang galugarin ang bawa’t posibilidad upang maabot ang pinakamataas na antas ng pamumuhay. Isinilang ang teknolohiya ayon sa pagkahayok natin sa pagbabago. Bagong panahon, bagong pangangailangan. Bagong lipunan, bagong pagnanasa. Walang humpay, walang pahinga sa paghahanap. Ni hindi natin itinatanong kung saan talaga tayo patutungo. Sinasabi na binabaybay na natin ang landas patungong bukas. Nguni’t kailan ang bukas? Ngayon na ba ang bukas o ito’y malayo pa?


Masusukat natin kung gaano na kalayo ang ating nilakbay kung halos limot na ang mga bagay na kinagiliwan nating gawin sa mga nakalipas na panahon. Tulad halimbawa ng paglalalaro ng bahay-bahayan kung saan minsan ka nang gumanap bilang ama o ina o anak sa larong ito. Madaling humulas ang mga alaalang ito sa ating isipan sapagka’t wala nang kabataan ngayon ang naglalaro nito. Wala na ring naglalaro ng baril-barilan na mga gawa sa puno ng saging, kotse-kotsehang may gulong na gamit ay bunga ng tabog-tabog o kaya naman ay paglalaro ng siyato na gamit ay sanga ng yakan at kawayan. Parang kailan lang ang mga ganitong tagpo. Maaaring nangingiti ka sa pagbalik-tanaw sa mga alaalang ito.
Ano ang Uunahin: Pag-ibig o Pag-aaral?

Sa aking mahal na guro na ngayo’y nagbabasa, magandang hapon . At sa aking mga masasayahin at kooperatibong mga kaklase, magandang hapon din sa inyo, naway sa maikling sandali ay hayaan ninyong hiramin ko ang inyong mga mata at taynga upang makinig sa aking napakahalagang talumpati.
Malungkot, minsan masaya, tapos malungkot ulit. May problema kasi, kailangan kong mamili sa dalawang bagay na sobrang halaga sakin. Paano ko kaya malalampasan ang problema kong ito? Alam ko kasi na kailangan kong mamili lang ng isa para matuldukan na ang paghihirap kong ito. Sabi nga nila "You can’t serve two masters at the same time" Ako, bata pa lang ako ay prayoridad ko na ang pag-aaral ko, sinunod ko lahat ng gusto ng magulang ko para sakin, pero ngayon ako naman ang may gusto, papayagan kaya nila ko?


Lalaki ako, natural hindi na bago sa akin ang salitang pag-ibig, sa ngayon ay may crush ako, sinabi koi to sa magulang ko ngunit ayaw nila sa kanya. Wala raw akong mararating sa buhaykung uunahin ang pag-ibig, wala raw akong kinabukasan sa mga ganyan. Pero bata pa ang puso ko, mabilis magdamdam. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang dumating sa puntong kailangan ko pang mamili. pinagbawalan kasi akong lumabas at makipagkita siya at kinuha na rin ang cellphone ko. Alam ko naman na kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral. Sa totoo lang, mataasa ang pangarap ko, gusto kong makapagtapos ng apat na taong kurso, makarating sa ibang bansa at makapagpundar ng negosyo. Hindi ko naman talaga sila balak suwayin, ang gusto ko lang ay inspirasyon, yung konting tamis sa buhay.



Ngayon ay mas pinili ko ang pag-aaral, gusto ko magtagumpay sa buhay at gusto kong magkaroon ng magandang kinabukasan.

Huwebes, Agosto 27, 2015


Bansa, Mamamayan, Kahirapan
Magandang hapon sa inyo mga mahal kong kamag-aral. Narito ako ngayon sa inyong harapan para ipabatid at ipaalam sa inyo ang nagaganap at nangyayari sa ating bansa, naway sa maikling sandali ay hayaan ninyong hiramin ko ang inyong mga mata at taynga upang makinig sa aking napakahalagang talumpati.
Habang ako ay naglalakad sa napakasikim na kalsada, may nakita akong mga taong nagkakagulo at parang wala nang kapayaan, katahimikan ang lugar na iyon. May isang katanungan na napasok sa aking  isipan, na hindi ko kayang masagot, Ano ba ang aking nakikita? Ano ba talaga ang pinakamatinding suliranin ng ating bansa? Pagpapatay? Pagnanakaw? Korupsyon? Pagbebenta ng droga? Kulang sa kaalaman? o Kahirapan?. Akala ko'y maunlad ang ating bansa, akala ko'y magagaling ang ating mga pinuno, at akala ko'y malinis na ang  ating bansa. Yun pala ang bansang tinatayuan natin ay nababalutan ng kasamaan. Sa aking napakatagal na pagninilay-nilay aking napagtanto na lahat ng mga problemang aking nabanggit ay resulta ng kahirapan. Isa sa pinakamalaking kinakaharap na suliranin ng ating bansa. Kahirapan na hindi natin alam kung paano mawawala. Kahirapan na patuloy na lumalaganap. Ngunit bakit nga ba maraming Pilipino ang nagdudurusa dahil sa kahirapan?
Hindi ko inakala na ganun na pala katindi ang nagiging resulta ng kahirapan. Sa mga nakikita ko, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan dahil sa kahirapan, dala na rin sa kanilang kakulangan sa pera. Napipilitan silang gawi ang mga bagay na hindi dapat ginagawa nila. Nagiging masama sila dahil gusto nila makuha ang mga bagay na hindi nila kayang makuha. Dahil doon, patuloy na dumadami ang bilang ng mga krimen sa ating bansa. Maraming tao ang pinapatay ng ibang tao dahil sa kakulangan ng hanapbuhay. Ninanakawan nila ang ibang tao para sa kanilang kagustuhan. Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding problema na ito ay  tinatawag na krisis. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan. Pero bakit hindi kumikilos ang ating mga pinuno? Isa sa pangunahing dahilan ng kahirapan ay korupsyon. Ninanakaw ng mga opisyal ng gobyerno ang kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa ikakaunlad ng ating bansa. Pero napupunta ito sa bulsa ng mga opisyales, kung kaya naman mas nararamdaman nating ang kahirapan. Isa pang dahilan ang kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod-sunod na pagtaas ng bilihin. Isa pang dahilan ng kahirapan ay katamaran. Ito ay isa sa mga maling pag-uugali ng mga Pilipino. Ang katamaran ang nangunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga Pilipino. Wala silang tiyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila sa kahirap na tinatamasa nila. Kuntento na sila sa salat nilang pamumuhay at palagi lang sila umaasa sa mga pinuno nila ngunit wala naman silang natatanggap na tulong. Nakalulungkot isiping mas gugustuhin pa ng taong naghihirap ang mamatay ng hindi namamalayan kaysa mamatay sa gutom ng nahihirapan. Karamihan sa naghihirap ay walang makain at hindi makatuntong ng paaralan kaya't umaasa sa salitang "may pera sa basura"o sa marahas na paraang kumapit sa patalim.
Maraming mamamayan ang nakakaranas ng kahirapan kung mapapansin natin, nagkalat ang mga batang lansangan na iniiwan ng kanilang mga magulang na walang ibang matuluyan. Sa mga squatters area, magulo at tila ba walang kaginhawaan at kapayapaan. Kung ating susuriin, mas marami ang bilang ng mga taong sadlak sa kahirapan ngunit bakit ang mga taong may mataas na katayuan sa buhay, sa halip na tulungan ang mga ito ay lalo pa nilang itinutulak sa kahirapan. Kaya ang mahihirap ang lalong naghihirap at ang mga mayayaman ay lalong yumayaman. Dulot ng walang pagkakaisa ng mga mamamayan. Sadyang mahirap ang maging isang mahirap ngunit maraming paraan upang ito’y labanan kung ating gugustuhin. Maraming na tayong nababalitaan o naririnig na mula sa pagiging maralita, ngayon ay natatamasa na ang kaginhawaan. Dahil iyon sa kanilang pagsisikap at pagpupursigi para sa kanilang mga pangarap o mga gusto nilang makamit sa buhay.
Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangan ng pagkakaisa ng isang bansa, kailangan ng magaling na pinuno at kailangan magtatag ng programang panlipunan upang malabanan ang matinding kahirapan ng isang bansa.
Ako bilang isang Mag-aaral, ay may layunin akong gawin ang aking lahat na makakaya para hindi maging isang mahirap at hindi maituturing isang basura lamang ako sa ating bansa. Sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lang dapat ako pati ikaw. Tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran ng ating bansa at sarili. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bansa, isang bansa na magagamit ang tagumpay , maipagmamalaki at higit sa lahat ay mapapamana sa susunod pang henerasyon ang umuunlad na bansa.
Ano ang ating gagawin? Kikilos ba tayo? o maghihintay? Bakit hindi tayo kumilos para sa kaunlaran? Ano pa ang hinihintay natin kumilos na tayo habang maaga pa upang umunlad ang ating buhay!